ABSTRAK

                                   Layunin ng pagsusuring ito na mabigyang pansin ang ating kapatid na mga Badjao o Sea Gypsies. layunin naming imulat ang mga kabataan sa mga kakaibang paniniwala at tradisyon na mayroon ag mga Badjao at ng magkaroong ng lubos na ideya sa kanilang nakasanayang paniniwala. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Unibersidad ng Misamis na nasa Ozamiz City. Ang ginamit na pamaraan sa pananaliksik ay ang kwalitatibo na tumutukoy sa mga mahahalagang bagay, sitwasyon o pangyayari      
 
                                                                 INTRODUKSIYON


                          "MAN OF THE SEAS" ang kahulugan ng salitang badjao. kilala ang ethnic group bilang mga taong naglalakbay sa dagat sa pamamagitan ng bangka upang makapag-hanapbuhay. Makikita sila sa mga baybayin ng tawi-tawi, sulu, Basilan, pati na rin dito sa Ozamiz City. Ngunit sa kasalukuyan, kalakhan sa kanila ang matatagpuan sa Malaysia at Indonesia dahil na rin sa kaguluhang dulot ng hidwaan sa pagitan ng mga rebolusyonaryong muslim at gobyerno sa mindanao. Sa kabuuan, umiikot ang buhay ng mga badjao sa paglalakbay sa dagat, pangingisda at pakikipagkalakal ng produkto sa iba't ibang lugar. Dito sa Pilipinas, nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may miyembrong 2-13 ang maaring tumira dito. Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa Umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno. kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya. Ang terminong Badjao na nangangahulugang mga mangingisda (Liamzon, 1978) ay tumutukoy sa mga taong naninirahan sa karagatan o dalampasigan ng mga kapuluan sa Sulu, Tawi-tawi,at katimugang Palawan. Ipinalalagay na bahagi sila ng Samal o Sama, isang etnikong grupong Muslim na nakabase sa lupa. Ang mga Badjao ay karaniwang naninirahan sa mga bangka. Sila ay mga hitano o hitana ng dagat na walang rehiliyon. Ang mga ninuno nila ang kanilang sinasamba.
 ANG KANILANG NAKASANAYANG PANINIWALA
              Una, naniniwala ang mga badjao na ang pagkilala sa kanilang panginoon at pahkakaroon ng karunungan ay ang pinakamabisang daan sa pagkakaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Sa kanilang pagpapahalaga sa kanilang panginong Mohammed, binibigyan nila ng karangalan ang mga salip (pinagmulan ng panginoon) nito.
              Pangalawa, bawat simbahan sa kanilang lugar ay dapat na mayroong mosque official. Hindi dapat a mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal, Bilal, ang tumatawag at nagpapasimula ng pagdarasal, at Hatib, ang nagsasagawa ng pagbasa tuwing araw ng biyernes.
              Pangatlo, naniniwala sila na ang kanilang pinagmulan ay mga dugong bughaw kung kaya't ang kanilang kasuotan ay makukula.
              Pang-apat, ang mga espirito ng patay ay pinanatili sa isang libingan at tuwing panahon ng Shaaban, ang mga kaluluwa ay pinapayagan ng kanilang panginoon na bumalik sa ating mundo. Bilang pagsalubong , ang mga tao ay nalilinis ang mga libingan at nagsasagawa ng pagdarasal.
              At ang pang-lima, naniniwala sila na ang mga patay ay kayang makipag-usap sa mga buhay sa pamamagitan ng ritual ceremonies of celebration, worship, and exorcism.

TRADISYON
 
          Una, ang kasal ay tumatagal ng tatlong araw na sayawan, kainan, at pagsasaya ng buong bayan ay kasama; Pangalawa, ang pag-paplano ng kasal ay dapat na pagkatapos ng ikatlong dalaw ng babae. Dapat din na mas matanda ng isang taon o higit pa ang lalaking mapapangasawa; Pangatlo, ang pagpapa tuli ay hindi lamang para sa mga lalaki kunh hindi para rin sa mga babae; At ang Pang-apat, ang panday, babae o lalaking nag-gagamot, ay yinatawag para sa pag-papaanak, pag-gagamot ng nalaalagang ina, pagbibigay ng gamot para sa pagpapalaglag, at para sa pagtutuli sa mga babae.

TRADISYONAL NA PAGKAIN
          Ang tradisyonal na pagkain ng mga Badjao ay panggi at isda. Ang kain ay inihahain lamang sa hapag bilang panghimagas o di kaya ay tuwing mayroong espesyal na okasyon. Walang almusal, tanghalian, merienda at gabihan sa mga Badjao. Kumakain sila kung kailan nila gusto at kung kailan sila may pagkain.

TRADISYONAL NA SAYAW
          Ang ilan sa tradisyonal na sayaw ng mga Badjao ay :
LIMBAI- sinasayaw para sa malugod na pagsalubong sa ikakasal at pamilya ng lalaki.
IGAL-IGAL- sa sayaw na ito, binibigyang pansin ang pagka-lambit ng galaw ng mga kamay at pagka-sexy ng galaw ng baywang ng babae.
DALING -DALING- ang sayaw na ito ay nagmula sa Sulu, ngunit itinuring na ring tradisyon na sayaw ng mga Badjao. Sa pagsasayaw na ito, dapat na sexy ang galaw ng babae.

KULTURA
          Ang pangkat na Badjao ay naninirahan asa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung, Pata,Tapul,Lingus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at talipaw. Tinatawag din silang luaan, lutaos, Bajao, Orang laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika. Ang mga Badjao ay isang grupo ng mga taona naninirahan sa kayamanan ng dagat gamit ang kaalamang nagpasalin-salin sa kanilang mga ninuno. Isang ritwal ng diumano'y pagtanggap sa pili ng mga Badjao, ang pagtpon ng bagong panganak sa ilalim ng dagat at muling pag-ahon ng mga nakatatandang mga lalaki sa sanggol. Magkaibang-magkaiba ang kostumbre ng dalawang tribung kaagtas sa buhay. Ang mga tausog ay hambog, tila sila na angn nakaaangat sa mga Badjao, sapagkat sila ay maay paniniwala at tapang. Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang pangkatna nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya. Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2-13 miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay. Pangingisda ang pangunahi nilang pamumuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lamat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling sin silang sumisid nng perlas. Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay muslim. Gayunpaman, naniniwalang pa rin sila sa Umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
                   kung tutuusin, ang panglilimos ay hindi naman kaugalian ng mga Badjao, kinkailangan lamang na gawin nila ito upang mabuhay, hindi man kinasanayan ang buhay na wala sa gitna ng karagatan pinipilit na gawing normal ang kanilang buhay. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamumuhay malayo sa karagatan panlilimos ang kanilang naging solusyon at naging pinakapangunahing ikabubuhay sa lungsod miraos  lamang ang pangaraw-araw na pamumuhay.
  


PANANAMIT
      Ang pananamit ng mga Badjao ay makukulay at kaakit-akit tingnan. Ang tradisyonal na suot ng mga lalaki ay may mga saplot sa kanilang ulo at may makukulay na damit. Sa mga babae naman ay may mga perlas sila na kanilang gawa sa kanilang ulo na kanilang tinuturing na palamuti sa kanilang katawan. Makukulay din ang kanilang mga suot tulad ng mga sa lalaki. May iba naman sa kanila na hindi nakasuot ng kanilang tradisyonal na pananamit.




 "ANG KANILANG WIKA"
       Sinama ang tawag ng mga Badjao sa kanilang wika, na diyalekto ng wikang Samal. Ang iba nama'y Badjau, Badjaw, o Badjao ang tawag sa kanilang wika upang maiba sa salitang ginagamit ng mga Samal na ninirahan sa lupa. Ipinagpapalagay ng iilan na ang Badjao ay katulad ng mga maliliit na pangkat ng mga  Samal laut (mga Samal na naninirahan sa dagat) o Samal tonqongan (totoong Samal). Gayunpaman, itinuturing ni blumentritt( 1892) na ang Samal laut at Badjao ay dalawang magkaibang grupo. Unang dumating ang mga Samal laut bago ang mga Badjao at nanirahan sila sa kapuluan ng Samales na matatagpuan sa pagitan ng Jolao at Basilan. Naiiba sila sa Samal de lea o Samal Dea o Samal Lipid(mga Samal na naninirahan saa lupa) o Samal ha Gimba(Samal sa kagubatan) na Samal o sama sa simpleng katawaagan. Tinatawag na Luwaan(tagalabas o itinakwil) ng mga tausug ang mga Badjau ay Palau(lumulutang na mmga tao) kung saan nagmula ang pangalan nng isla ng Palawan. Ang saliatang Palau ay ibang katawagan sa Paraw (bangka). Pinangangalanan din silang kuto Dagat o kuto Tahik(mga kuto ng dagat). Gayunpaman, sinasabi ng mga Badjao na sila ay mga Samal o Sama(nimmo 1968).



GAP

      Gayunpaman, hindi malinaw kung saan nga ba talaga nagmula ang mga Badjao. Sa isang banda, may nagsasabing nagsimulang umalis ang mga Badjao sa mga isla ng Mindanao at Sulu noong " first millenium AD" at nagsimulang maglakbay patungo sa timog at kanluran. Dahil dito, nagpirme na sila sa Sulu, Cagayan at silangang Borneo. Isang popular na paniniwala naman ang nagsasabing nanggaling umano ang mga Badjao sa johore, Indonesia kung saan naninirahan sila sa mga bangka. Ngunitb sa kabila ng iba't ibang teorya hinggil sa yunay na pinagmulan ng mga Badjao, kapansin-pansin na ang pangunahing dahilan ng kanilang paglalakbay ay ang paghahanap ng mapagkakakitaan.

Mga Komento

  1. Dahil sa ganyan anga kalagayan ng mga badjao or kung ano naman ang tawag sa kanila kailangan pa rin natin silang igalang dahil pahero lang naman tayong tao na nabubuhay sa ibabaw ng mundo 😇😇😇

    TumugonBurahin
  2. nakakasiguro kaba ang mga tausog ay hambog? ang daming kong kaibigan tausog at mga kaibigan ko hindi nman hambog na sinasabi mo at isa pa nag tutulungan naman mga badjao at tausog dito sa zamboanga wala kang karapan sabihan na hambog ang mga tausog kung hindi mo naman kilala mga ugali nila! wag mo sila lahatin

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Gamit ng wika sa lipunan