Gamit ng wika sa lipunan


         Gamit ng wika sa lipunan


       Ang wika ay napakaimportante sa buhay ng bawat tao. Isipin mo ang isang  lipunan o pamayanan na walang wikang gamit. Hindi ba’t ang mga mamamayan ay magmimistulang mga hayop na nagsisipag-iyakan lamang. Bahagi ng paghubog atpaglinang ng ating pagkatao ang wika.Napakahalaga din ng wika sa ating pang araw- araw na buhay. Bata, matanda, babae o lalaki, lahat ay may karapatang sibil upang maipahayag ang kani-kanilang saloobin. Wika ang siyang ating paraan upang masabing kung gaano natin iniirog ang       mga mahal natin sa buhay. 
                      

                    Gamit din natin ito sa pakikipagsalamuha sa kapwa, sa kapaligiran, at sa lipunan. Sa larangan ng musika, sining, at iba pang pagbibigay aliw sa kapwa, ang wika ang ating ginagamit na instrumento upang maipaabot ang ating mensahe sa mga tao. Sa pagbibigay balita at impormasyon, wika rin ang ating gamit sa anumang larangan na pang interaksyong sosyal.
                

                  Gabay natin ang wika sa anumang antas at uri ng kinatatayuan mo sa buhay. Sa paaralan, tayo ay nagtatalastasan at nakikipagpalitan ng kuro-kuro gamit ang wika. Sa pagkamit ng hustisya, at pagtanggol sa karapatang pantao, wika rin ang ating armas upang ito ay ating makamtan. instrumento ngang tunay ang wika, maging sa pinakasalimuot man o sa pinakamasayang  kaganapang nangyayari sa ating buhay.

Mga Komento

  1. Betsoft Casinos 2021 | Review, Ratings & Bonus Code
    Top Betsoft casinos 스트립 포커 in 2021. We review Betsoft 벳익스플로어 casinos, 윈윈벳 먹튀 their bonuses, game variety, The Best 무료룰렛게임 Betsoft Online 먹튀사이트 조회 Casinos in 2021.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito